Pages

Monday, May 4, 2009

Nakaabang

By Jules Fred C. Batisla-ong

Ilang araw pa ba?
Hanggang kailan ako magpaparaya
Tingin ko Masaya ka na
At malamang pati mukha ko limot mo na

Ilang linggo pa ba?
Dibdib ko’y masakit na 
Pagasa, may dadating pa ba?
Tingin ko tama na aking hula

Nagaabang na parang tanga 
Di ko alam bakit pa umaasa
Di naman ako ganun kasama
Para magmukhang walang hiya

Tingin ko tama na
Ako ngayo’y nasasakal na 
Sa mga bagay na di ko makuha 
Ayoko ko ng maging manghuhula

No comments: