Pages

Monday, May 4, 2009

Bente

By Jules Fred C. Batisla-ong

Ang hirap bumangon 
Sa buhay na di ma-iahon
Naka tingin sa salamin 
Nagiisip ng lalamunin

Pinaligiran ng mararamot at sakim
Dinadaan sa dasal na mataimtim
Sa kagipitan walang matakbuhan 
Utak nawawalan na ng paraan

Pahiram ng bente pamasahe lang
O kahit konting barya na lamang
Wala na talaga akong mapuntahan 
Kundi ikaw na lang kaibigan

Asan kayo ngayong walang wala ako
Asan ka at likod na pinangako mo?
Minsan sa isang kasabihan naniniwala na ako
Nandyan ka lang pag kailangan mo ako

No comments: